We went on UP for the submission of form. Akala ko magiging maganda ang araw na 'yon kasi unang una excused kami sa klase until that our Physics teacher Ms. Rogel came angry with us. Exaggerated nga kasi mula sa kanto pa daw niya kami naririnig na nag-iingay, ano yun may super duper sense of hearing siya? Hindi ba niya naririnig yung mga ingay ng ibang tao? tricycle? Ah basta! tapos na yon punta na tayo sa UP. Grabe naligaw pa kami kakahanap ng Office of Admissions ang layo na ng nilakad namin buti na lang andun yung tito ko para tulungan kami. Office of Admissions. Ang daming tao, ang init pagdating sa counter kulang pa yung details sa form ko tapos, hindi pala dun magbabayad sa Landbank pa pala. Pagdating sa Landbank ang init, haba ng pila mabuti na lang hindi kami inabot ng lunch break nila pero pabalik sa OA, my cut-off sa lunch break. Ayun, hintay kami sa labas buti maraming puno, bonding and kulitan time muna habang nag-aantay, gutom na din iba sa amin pero tiis tiis muna. Tapos na lunch break nila, ayan na uli yung mga tao, ang dami nila. Hintay uli para sa test permit halos dalawang oras kami nag-antay bago makumpleto yung mga test permits naming lahat. Sa wakas! kainan time na. Trip naming maglakad hanggang Philcoa, ayaw nung iba pero napilitan kasi mas marami yung gustong maglakad. Nakakain na kami, pauwi na pabalik sa school. Sa dami namin, napuno yung isang jeep, siksikan pa kami. Sa sobrang pagod namin, nagbayad na lang kami para magpahatid sa jeep hanggang school. Nahihiya pa yung iba, siguro dahil jeep lang sinakyan namin. Grabe talaga nung araw na yon masasabi mo nalang pag-uwi ay "pagod na ako."
Friday, June 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment